TAGUMPAY ang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEED (Society of Entertainment Editors of the Philippines), sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na ginanap sa Valencia Events Place in Quezon City last Sunday, June 3, 2018.

Aga Rhian Eddys copy

Personal na ipinamahagi ng mga opisyal ng SPEED, headed by its President Ian Fariñas, at ng FDCP, ni Chairman Liza Diño, ang certificates of nomination. Host ng gabing iyon ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Nakasaad sa invitation na 5:00 p.m. ang event, at true to his name, maaga ngang dumating si Aga Muhlach, isa sa nominees sa Best Actor category. Kaya ang inabutan pa lamang niya roon ay si Rhian at ang mga opisyal ng SPEED.

Ninong Ry, nakahabol sa pag-file ng 'COC'

Iyon nga lamang, may previous appointment pala si Aga, kaya nakitsika lang at nagpa-picture siya sa mga naroon at kinailangan na rin niyang umalis agad matapos niyang tanggapin ang certificate of nomination for his movie Seven Sundays.

Kasama siyempre si Aiza Seguerra, sinabi ni Liza na nakipagtulungan ang FDCP sa SPEED dahil nakita raw niya ang presentation ng first Eddy Awards kaya natiyak nilang isa ito sa credible award-giving body.

Dumating din si Edgar Allan Guzman, nominated Best Actor for Deadma Walking; si Sid Lucero, Best Supporting Actor for Smaller and Smaller Circles; Dido dela Paz for Respeto; at Arnold Reyes for Birdshot. Hindi man nakarating ang ibang nominees, represented naman sila ng kani-kanilang production company.

Guest performers sina Dessa, Katrina “Suklay Diva” Velarde, at Hazel Faith. Guest din ang mahusay na violinist, ang 16-year old na si Michaela Torres.

Ang awards night para sa 2nd Eddys ay magaganap sa susunod na buwan, sa pakikipagtulungan ng FDCP at ng Globe with Senior Vice President Yoly Crisanto. Ididirehe ito ni Paolo Valenciano. Ang Globe Studios ang major presenter, habang ang Wish naman ang hahawak sa production.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging “The Eddys Mega Party”, sa pangunguna ng OneMega Group.

-Nora V. Calderon