BAMBAN, Tarlac - Inireklamo ang isang lalaki dahil sa umano’y pang-aabuso sa isang binatilyo sa Barangay Dela Cruz, Bamban, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jonjon Dela Cruz, 33, na inireklamo ng biktima, 15.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang binatilyo sa Barangay Dela Cruz nang bigla itong harangin ng suspek at puwersahang dinala sa covered court at pilit umanong ipinasubo ang ari, dakong 10:00 ng gabi.

Binantaan umano ni Dela Cruz ang biktima na kapag hindi sumunod ay papatayin niya ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil sa takot, sumunod na lamang ang binatilyo sa kagustuhan ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Bamban Police Station.

-Leandro Alborote