MATAGAL-TAGAL ding hindi nakagawa ng teleserye si Gladys Reyes, simula nang ipagbuntis niya ang youngest niyang si Gavin, kaya na-miss niya ang kontrabida roles niya na mahilig manakit.

GLADYS copy

“Na-miss ko na ang manakit sa mga characters na kasama ko sa teleserye,” natatawang sabi ni Gladys. “Kaya nang i-offer sa akin ang Inday Will Always Love You, at kontrabida ulit ako, natuwa ako. So, enjoy ang taping dahil mananakit na naman ako ng kapwa kaeksena ko. Kaya humanda iyang si Happylou sa akin.”

Character ni Barbie Forteza ang tinutukoy ni Gladys.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ako rito si Amanda, ina ni Patrick (Derrick Monasterio) at ang gusto ko para sa kanya, si Ericka (Kim Rodriguez) na isa pa ring masungit at napakaselosa dahil para sa kanya, siya lang ang puwedeng lumapit kay Patrick. Kaya humanda na si Happylou sa aming dalawa ni Ericka.”

But off-camera, napakabait ni Gladys, at siya ang nagbibigay ng pointers sa mga sasaktan niya kung paano siya iiwasan.

“Naaawa kasi ako sa kanila, lalo na kung mga bago pa lamang artista, kung hindi nila alam kung paano mag-fake ng eksena. Ini-explain ko na iyon sa kanila bago kami mag-take. Pero si Barbie, ang husay-husay niya, magaling siyang artista kaya hindi ko siya nasasaktan, kunwari lang nasaktan ko siya pero hindi naman talaga.”

Marami siyang gagawing pahirap kay Barbie, pero madalas ay siya rin ang napapahamak, dahil kung nag-iisip ka ng masama sa kapwa mo, ikaw ang nakakarma.

Pero enjoy daw sila sa set, lalo na noong nasa Cebu sila dahil lagi silang magkakasama sa tent.

Marami pang aabangang eksena sa top-rating romantic-comedy series mula sa GMA News & Public Affairs na kinunan ang halos kabuuan sa iba’t ibang lugar sa Cebu. Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng Kambal Karibal.

-NORA CALDERON