HINDI lang sa negosyanteng si Joel Cruz ng Afficionado na naghain sa kanya ng demanda kundi pati na kay Sunshine Cruz nagpuputok ang butse ni Ms. Kathelyn Dupaya.

Sinira raw ni Sunshine ang friendship nilang dalawa at pinalabas pa ng Brunei-based businesswoman na walang utang na loob ang aktres. Kung anu-ano raw na mamahaling gamit ang ibinigay niya kay Sunshine.

“Sa totoo lang, ‘yung mga issues na ‘yan as much as possible gusto ko kung ano na lang ang nasabi ko ‘yun na lang ‘yun.Kasi ‘yan ang utos ng lawyer ko. Hindi naman kasi makakatulong ‘yan sa akin,” umpisang sambit ni Sunshine nang hingan namin ng reaksiyon.

Ipina-off the record muna ni Sunshine kung magkano ang pera niyang sinisingil kay Ms. Dupaya. Kung ilang beses naman niyang kinontak at gustong makausap si Dupaya tungkol dito.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Sa totoo lang, Kuya Jimi, for the record, I tried to talk to her about this matter for months privately, but it did not work talaga. That’s why I coursed it through my lawyers na lang,” sey ni Shine.

Hindi niya itinanggi na sobra pa sa malapit na kaibigan ang turingan nila ni Ms. Dupaya.

“She was a friend and I trusted her. I got into business with her. I invested money for more than two years only for additional income especially that I am a single mom,” kuwento ng aktres.

Hinihingi na raw niyang makuha ang principal money na in-invest niya dahil may pangangailangan siya para sa mga anak niya, pero walang maibigay sa kanya ang kaibigan.

“Gusto ko na talagang makuha ‘yung principal money ko but she couldn’t deliver. Kaya like what she said in her interview, let the court come up with a judgment na lang,” dugtong ng aktres.

Natawa na lang si Sunshine sa binanggit namang hundreds of diamonds na ibinigay daw sa kanya ni Dupaya at ipinadala pa niya through facebook ang mga larawan ng sinasabing mga alahas.

“Please naman maging totoo siya. We just want our hard-earned money back. No need for drama. Nakakasira ng friendship ang lies, panunumbat at paninira. It’s just not going to work anymore,” lahad ni Sunshine.

Aniya, November last year pa sila huling nagkita nang personal ni Dupaya.

“I just to don’t want anything to do with her anymore,” diretsahang banggit ni Ms. Sunshine Cruz.

-JIMI ESCALA