Kinumpirma na kahapon ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga ni Secretary Menardo Guevarra sa Deparment of Justice (DoJ).

Nakahabol pa sa kumpirmasyon si Guevarra dahil magkakaroon na ng sine adjournment ang CA.

Nakuha ni Guevarra ang approval ng CA batay na rin sa rekomendasyon ni Senator Sherwin Gatchalian, na siya ring chairman ng CA Committee on Justice and Judicial and Bar Council, na pinagbatayan ang malawak na karanasan ng kalihim sa law at public service.

Bukod kay Guevarra, inaprubahan din ng CA ang appointment nina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Agrarian Reform Secretary John Rualo Castriciones, AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, Brig. General (reserve) Nelson P. Collantes, Col. Emmanuel A. Mahipus, Brig. Gen. Rolando R. Rodil, at Brig. Gen. Joselito F. Maclan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Vanne Elaine P. Terrazola at Leonel M. Abasola