Nasa 15 katao ang inaresto makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang imbakan ng armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao kahapon.

Ayon kay Lt. Col Harold M. Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ng Philippine Army, target sa nasabing operasyon ang firearms factory ng BIFF sa Barangay Tonggol, General Salipada K Pendatun, Maguindanao.

Bitbit ng awtoridad ang arrest warrants laban kina BIFF members Sukarno Buka, alyas Commander Buba; Parido Balabagan, alyas Commander Banog; at Edsrafil Guiwan, ngunit bigo silang maabutan ang mga ito.

Nasamsam sa lugar ang dalawang rocket propelled grenades launchers, isang cal .45 M1911 pistol, isang 12-gauge shotgun, rifle grenades, mga homemade na baril, at samu’t saring bala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Fer Taboy