IPINAGDIWANG ni Kylie Minogue ang kanyang ika-50 kaarawan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang daring nude photo, hawak ang gitara.

2

Dumalo sa birthday party ng pop princess ang kanyang mga na kaibigan sikat na kiabibilangan ng dating Neighbours co-star - at ex-boyfriend – na si Jason Donovan at Graham Norton.

Pagsapit ng hatinggabi nitong Linggo ay ipinost ni Minogue ang nasabing larawan na may caption na: “And so a new decade begins. How thankful I am for the opportunities life has afforded me. 50..... Let’s go!”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Namataan din sa party sa exclusive hotel sina Mel C, David Walliams, Amanda Holden at Alan Carr kasama ang designer na si Patrick Cox at James Blunt.

Ilang araw na nag-tweet si Minogue ng mga mensahe na sumasalamin ng kanyang buhay at karera, pati na ang kanyang kabataan, abalang twenties at cancer battle.

Matatandaang nagkaroon ng breast cancer ang pop star, naipagamot at nalagpasan ang pagsubok na ito.

Sumailalim si Minogue sa surgery at chemotherapy at ganap nang gumaling noong 2006, ayon sa ulat ng Evening Standard.