NAALIW kami kay Angelica Panganiban na idinadaan sa biro ang pagiging broken-hearted sa nangyari sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz, patunay na naka-move on na siya.

aNGHELICA copy

Ang latest ay ang reaction niya sa invitation ng Pottery Barn and West Elm sa mga ikakasal. Apparently, isa si Angelica sa invited at ipinost niya sa IG story ang invitation at ang kanyang reaction.

“From Pottery Barn and West Elm: Hi Angelica! Calling all soon-to-weds! You are invited to our special Bridal Registry Showcase. Join us for food & drinks + giveaways & discussions on design tips for your first home together! Limited slots only so sign up in our link on IG or FB.”

Pati ang mga nakabasa sa sagot ni Angelica na “Inaano Ko Po Kayo?” at “Masakit” ay natawa rin.

Talo sa eleksyon pero nakapagpakulong! Ogie, pinagtanggol si Trillanes kay SILG Remulla

Obvious na hindi alam ng mga nag-imbita na loveless si Angelica at malayo pang ikasal.

--Nitz Miralles