MULING isinuot ni Angelina Jolie ang kanyang tanyag na sungay.

1

Nasa London na ang 42 taong gulang na aktres, direktor at activist para sa shoot ng Maleficent 2 — ang sequel sa kanyang blockbuster movie noong 2014, na tumabo ng mahigit $750 milyon sa buong mundo, maraming kumilala at pumuri sa kanyang pagganap.

Kasama ni Angelina si Elle Fanning, na gumaganap naman bilang si Princess Aurora, at si Michelle Pfeiffer. Kasama ang legendary actress sa pelikula bilang si Queen Ingrith, na makakalaban ng dark fairy na muling gagampanan ni Jolie, si Maleficent. Kasama rin sa cast sina Chiwetel Ejiofor, Ed Skrein at Harris Dickinson at gagampanang muli ni Oscar nominee Lesley Manville ang role bilang si pixie Flittle.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa wakas ay ginagawa na ang sequel, makaraan ang ilang taong palugit mula sa unang installment.

Tumulong naman si Fanning na ipahayag ang balita sa pamamagitan ng kanyang funnyselfie kasama si Angelina sa set na ipinost sa Instagram.

“It’s bring your mom to work day on the #Maleficent2 set!!!!!” caption ni Fanning sa larawan.

Nag-post din siya ng isa pang silly selfie, na makikitang nakatayo siya sa harap ni ANGELINA ngunit sungay lang ang nakikita.

“Ultimate Photobomb #Maleficent2,” saad ni Elle.

Ang pagbabalik ni Jolie sa live-action Disney villainess ang hudyat ng kanyang unang onscreen appearance mula sa kanyang role sa By the Sea noong 2015. Makikita sa family-friendly set ang mga anak ni Angelina — sina Maddox, 16, Pax, 14, Zahara 13, Shiloh, 12, at ang siyam na taong gulang na kambal na sina Knox at Vivenne — para naman sa kanilang cameo role na nasa loob ng paaralan, na mapapanood sa trailer.

Naging abala ang aktres at aktibista sa kanyang humanitarian work at pagdidirihe ng First They Killed My Father noong 2017. Naging executive producer din siya ng mga pelikula gaya ng Oscar-nominated animated film na The Breadwinner, ayon sa ulat ng People.