AKSIYONG umaatikabo ang matutunghayan ng beach volleyball fans sa paglarga ng 25th Sta. Lucia Land National Capital Region Athletic Association (NCRAA) women’s beach volleyball tournament sa Mayo 30-31 sa Paninap Beach Camp sa Real, Quezon.

Kabuuang pitong koponan, sa pangunguna ng bagong Indoor Volleyball champions National College of Business and Arts, ang sasabak sa torneo.

Target ng Lady Wildcats na dalhin ang dominanteng porma sa buhanginan laban sa De La Salle University-Dasmarinas, Philippine Merchant Marine School, Philippine School of Business Administration-QC, PATTS College of Aeronautics, University of Makati at Asian Institute of Maritime Studies. Muling magsisilbing Commissioner si Andy Montano.

“We are partnering with the local government of Real through Mayor Bing Aquino so we hope to make this a regular summer activity there,” pahayag ni NCRAA General Manager Manuel “Buddy” Encarnado.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bahagi ang sports sa inilalalatag na programa ng lalawigan para palakasin ang turismo.

Ang Beach Volleyball ang huling event sa kalendaryo ng ika-25 season ng NCRAA.

-Marivic Awitan