NAKITA namin ang post ng isa sa KCAP staff ni Kris Aquino na si Alvin Gagui na litrato ng Christmas Tree habang nakaupo naman ang una na may caption na, ‘Christmas in May day 9.’

KRIS JULIA AT JOSHUA

Tsinek tuloy namin ang Instagram account ni Kris na may ipinost namang video nina Joshua Garcia at Julia Barretto na nakaupo sa couch na super sweet at nakaupo rin ang Queen of Online World and Social Media sa kanyang puwesto habang hinihintay matapos ang set na nilalagyan ng Christmas settings.

Ang caption ni Kris sa video, “Hello @garciajoshuae & @juliabarretto haaaayyy #younglove. We’re all exhausted but listening to @bts.bighitofficial #FakeLove during my lunch break while editing this #iloveyouhater video is an energy boost. These are my favorite lyrics from the song:

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

For you, I could pretend like I was happy when I was sad

For you, I could pretend like I was strong when I was hurt

I wish love was perfect as love itself

I wish all my weaknesses could be hidden

I grew a flower that can’t be bloomed in a dream that can’t come true

#shootinglife #lovelovelove.”

Halatang natutuwa si Kris sa lambingan nina Joshua at Julia. Parang nai-imagine namin siya na habang pinanonood ang JoshLia ay natatawa na lang sa sarili sa paggunita sa kabataan naman niya at in love. Hindi nga lang namin alam kung sino sa kanila ang naaalala niya.

Nasa Day 9 pa lang ang shooting ng I Love You, Hater, kaya malabo pa nga itong maipalabas sa Hunyo 13. At dahil may Christmas setting, hindi kaya pang-Metro Manila Film Festival na ito o kaya ay unang linggo ng Disyembre ipalabas?

Samantala, marami uli ang naaliw sa hugot ni Kris sa powerbank na hugis puso na iniregalo sa kanya.

Ang caption niya sa pulang power bank, “This heart powerbank was a pasalubong from the sweetest @sheroseontimare made me think, sana nga ang puso ‘pag battery empty na, puwedeng ma-charge na lang ulit. I love @kylaalvarez new song ‘mahal kita pero konti na lang’ -- sumobrang totoo, medyo (opo, hanggang powerbank kaya kong mahanapan ng #hugot).”

–Reggee Bonoan