Habang isinusulat ito, agaw-buhay ang isang obrero na kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Kapitolyo, Pasig City, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Reynaldo Biay ang biktima na si Alfredo Baderes, 44, ng 193 Champaca Street, Bgy. Pineda, Pasig City.

Sa ulat ni PO3 Manuel Loria, ng Pasig City Police, naganap ang krimen sa panulukan ng United at Sheridan Sts., Bgy. Kapitolyo, dakong 7:30 ng gabi.

Nagsasagawa umano ng routine inspection ang isang security guard, si Emelito Moratalla, sa main gate ng binabantayang Pioneer Unilab nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sinilip ni Moratalla ang pinagmulan ng putok at nadiskubre duguang biktima at ini-report sa pulisya.

Isinugod ang biktima sa ospital at patuloy na nagpapagaling.

P o s i b l e umanong may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente.

-Mary Ann Santiago