NAGSALITA si Hilary Duff tungkol sa kanyang naramdamang pressure na makapagbawas agad ng timbang pagkatapos manganak.

Hillary

The Younger actress was married to professional hockey player Mike Comrie from 2010 to 2016, with the former couple sharing six-year-old son named Luca.

Ang Younger actress ay kasal sa professional hockey player na si Mike Comrie mula 2010 hanggang 2016, at nagkaroon ng anak, si Luca.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi maitatatwa na ang pagiging ina ang isa sa pinakamasasayang araw sa kanyang buhay, ngayon ay nagsalita na si Hilary tungkol sa kanyang pinagdaanang hirap, dahil sa kanyang mababang kumpiyansa sa sarili at body image na imi-maintain, nang maipanganak si Luca, na mas pinalubha pa ng atensiyon ng media.

“I remember after my son was born, I finally decided to leave the house -- like 16 days or something after I had him. I was wearing sweatpants,” pagbabalik-tanaw niya sa interview ng U.S. Women’s Health magazine. “But someone was following me, and got a picture. And all of a sudden there were all these stories titled ‘Hilary Debuts Post-Baby Body.’ And I remember thinking, I’m not debuting anything! That pressure was so tough to deal with.”

Ipinaliwanag din ni Hilary na natagalan bago siya pumayat uli at napagtanto niyang nahihirapan siyang ibalik ang dating hubog ng katawan.

Nang mapagtanto niya na hindi niya kailangang isipin at pansinin ang kanyang timbang, naging proud siya sa kanyang katawan.

“My body helped create a bond between us, and me being there for him in those first months of his life ultimately was far more important than me trying to get in shape right away. And that mental shift helped all the other stuff eventually fall into place,” sabi ng 30 taong gulang na aktres.

Ngayon ay maayos niyang pinipili ang kanyang mga kakainin, at tinitiyak na pawang masusustansiya ito.

At wala siyang balak na maging “super-skinny”.

“It’s terrible that skinny is beautiful. There’s a new version of skinny that’s just… unreachable. It’s a really bad look. If we can just try to celebrate being individuals, and try to feel good instead of trying to fit in, I think that would be huge,” nakangiting pahayag ni Hilary.