ANG Panahon ng Halimaw (Season of the Devil), ang pinakabagong obra ni Lav Diaz, ay ipalalabas na rito sa Pilipinas pagkatapos humakot ng parangal at papuri sa ibang bansa.

PINKY AT PIOLO SA 'PANAHON NG HALIMAW'

Pinangungunahan nina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Angel Aquino, at Pinky Amador, ang pelikula ay isa sa mga nominado para sa Golden Bear award sa 68th Berlin International Film Festival na gaganapin sa Germany. Nakamit din nito ang Best Film sa Gems section ng 58th Festival Internacional de Cine Cartagena de Indias nitong Marso. Mapapanood na ito sa piling Ayala Cinemas sa Manila at Cebu simula Mayo 30.

Nakatanggap din ito ng magandang review sa Hollywood website na Variety para sa direktor at tema. Ayon sa website, si Diaz ay “emphatically his own artist, whether to exhilarating or punishing effect,” at ang pelikula ay may “raw, stirring interludes.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Napahanga rin iba pang mga manunulat at film critics sa pelikulang ito. “It’s visually that Season of the Devil ranks among Diaz’s best work,” saad ni Clarence Tsui ng The Hollywood Reporter. Hinirang naman ni Peter Bradshaw ng The Guardian si Diaz bilang tunay na artist. Wika niya, “Every millisecond of his film has been rigorously created.”

Ayon sa Desistfilm writer na si Aldo Padilla, si Diaz ay isa sa pinakamalayang sikat na filmmaker ng ating panahon.

“Diaz remains emphatically his own artist, whether to exhilarating or punishing effect,” sabi naman ni Guy Lodge sa Variety, at tinawag naman ito ni Jonathan Romney ng Screen Daily na, “A film of boldness and considerable beauty.”

Dahil sa magandang pagtanggap sa pelikulang ito sa ibang bansa, kasama na ang mga parangal na nasungkit nito, nararapat lamang na ito ay mapanood din ng mga Pilipino. Suportado ang Ang Panahon ng Halimaw ng suporta ng Globe Telecom at ng kanilang #PlayItRight advocacy.

Ang #PlayItRight ay isang kampanya na nagbibigay ng suporta sa local films at ito ay nananawagan para sa tama at legal na panonood ng mga pelikula sa sinehan para masugpo ang film piracy sa bansa. Layunin nito na mabigyan ng halaga ang mga producer, direktor, aktor, at mga crew na nag-uukol ng pondo, panahon at pagod upang mabuo ang kanilang pelikula.

Ayon kay Quark Henares, Globe Studios Head, mahalagang suportahan ang industriya ng pelikula, lalo na ang mga gawa ng mga independent film producer na karaniwan ay hindi nabibigyan ng mga show date sa mga malalaking sinehan.

“We continue to promote #PlayItRight by supporting this groundbreaking film by watching it in the movie theaters. It is important that we all support our local indie directors and movies because they create works that are truly world-class and deserving of a local and international audience. We have a rich and diverse group of local actors, artists, and filmmakers dedicated to creating stories and narratives that appeal to not just the soul of the modern Filipino, but to their sense of national pride,” sabi ni Direk Quark.