MAY pabirong theme song na si Kris Aquino pagdating ni Bimby sa wastong gulang at mag-aasawa na ito.

Angeline at Kris

Napili na rin niya ang singer na kanyang isasama kapag mamamanhikan na si Bimby at si Angeline Quinto ‘yun.

“I’m bringing @loveangelinequinto & she’ll be singing this (Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin) outside the girl’s home habang naglulupasay ako & umiiyak nang walang humpay #promise.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ito ang caption ni Kris sa video na ipinost habang kumakanta si Angeline ng version ng original song ng Jeremiah. Kitang-kitang all attention si Kris habang kumakanta si Angeline sa sala ng bahay ng singer, ang location ng isang eksena ng Star Cinema movie na I Love You, Hater.

Nang may follower na nagtanong kung sino ang “good enough for Bimb” at para kay Kris na maging daughter-in-law? “@taylorswift -- my dream daughter-in-law!!!” ang sagot niya.

Natuwa ang fans ni Taylor Swift sa sagot ni Kris dahil napatunayan nilang true fan ng American singer ang Queen of Online World and Social Media na lagi naman talaga niyang sinasabi. Pero nabanggit na ni Kris na hindi siya makikialam sa pipiliing mapapangasawa ni Bimby para libre niya itong maba-bash, but of course, nagbibiro lang naman siya.

Samantala, ang sweet talaga nina Bimby at Josh sa kanilang mama dahil sinamahan nila ito sa pagbisita sa SM Megamall para sa 60th anniversary ng SM. Hindi nakapunta si Kris sa actual date ng anniversary dahil inatake ng allergy at nangakong babawi na tinupad niya agad.

-NITZ MIRALLES