PAGKATAPOS ng ilang linggong taping ni Alden Richards para sa bago niyang serye, ipinaalam na ng GMA-7 na Victor Magtanggol ang title nito, at ito magsisilbing hudyat ng pagbabalik-primetime niya.

ALDEN copy

Sinagot ni Alden kung tungkol saan ang serye at kung sino si Victor Magtanggol nang bisitahin siya sa taping ni Aubrey Carampal ng 24Oras.

Ang Victor Magtanggol ay isang family drama, adventure and fantasy, na hahamon sa kakayahang ni Alden sa pag-arte.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Si Victor Magtanggol po ay isang simpleng tao na nabigyan ng isang extraordinary mission sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya,” sabi ng Pambansang Bae. “Pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat.”

First time siyang gaganap sa ganitong character na matagal na niyang gustong gawin. Binuo ng creative team ang istorya ng higit pa sa kanyang inaasahan.

“Natuwa ako at na-excite kasi ‘yung puso nu’ng character naramdaman ko agad, binasa ko pa lamang ‘yung first week ng script.”

Involve siya sa pagbubuo ng kuwento at nakikipag-collaborate sa creative team dahil bukod sa gusto niyang ma-hook ang mga manonood sa kuwento ay kapulutan din ito ng aral.

“’Yung mensahe na idi-deliver nu’ng project na ito sa mga manonood, mas kailangang napapanahon, mapupulutan ng inspirasyon at saka kumbaga, magiging aspirational.”

Makaka-relate raw ang Kapuso viewers kay Victor Magtanggol na puno ng drama, action at adventure ang buhay na na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

“Nu’ng ibinigay kasi sa akin itong Victor Magtanggol and then dinescribe ‘yung character niya, ang lakas ng koneksiyon sa mga Pilipino, sa mga Pilipino na may prinsipyo, ‘yung kapag binigyan mo ng... inatasan mong gawin ang isang bagay, paninindigan nila. Gusto namin na kapag pinanood natin si Victor Magtanggol sa telebisyon, makikita nila ‘yung mga sarili nila.”

In between tapings, patuloy ang workouts at training ni Alden, bilang paghahanda sa action scenes na tuluy-tuloy nang kukunan once na-introduce na ang story at ang mga kasama niya sa cast.

More surprises mula sa Team Victor Magtanggol, sa pangunguna ng director nilang si Dominic Zapata.

-NORA CALDERON