GUSTONG mapanood ni Teddy Boy Locsin ang Alaala: A Martial Law Special na ginampanan ni Alden Richards ang role ng aktibistang si Boni Ilagan.

Derrick copy

Nabalitaan ni Mr. Locsin na muling nanalo ang docu-drama ng Gold Camera sa 50th US International Film & Video Festival.

Tweet ni Teddy Boy, “How do we get to watch this? Any way of accessing it on pay per view or something like that? Admire this actor a lot.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami agad ang supporters ni Alden na nagpadala ng link kay Teddy Boy para mapanood ang Alaala na dalawang international award na ang napapanalunan.

Samantala, may continuation ang interview kay Alden sa 24 Oras this Monday para pag-usapan ang fantasy/adventure/family drama na Victor Magtanggol na kanyang pagbibidahan.

Sa interview kay Alden last Friday na lumabas din sa 24 Oras, ipinakilala na ang karakter na gagampanan niya.

“Si Victor Magtanggol ay isang simpleng tao na nabigyan ng isang extraordinary na misyon sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya: pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat.”

Last Friday, ipinalabas din ang short teaser ng Victor Magtanggol, at narinig ang theme song na agad nagustuhan ng Kapuso viewers. This Monday, ipapakilala ni Alden kung sino ang kumanta ng theme song at baka patugtugin pa. Kaya abangan ang part two ng interview sa kanya.

Positibo si Alden na magugustuhan ng Kapuso viewers ang Victor Magtanggol at sa TV interview sa kanya, nabanggit ang excitement sa pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye at pagbabalik niya sa primetime.

Biro ng fans ni Alden, ang Victor Magtanggol ang magiging daan para bawiin niya kay Derrick Monasterio ang title na Primetime Prince na ibinigay kay Derrick sa presscon ng Inday Will Always Love You. Hindi raw puwedeng dalawa ang Primetime Prince ng GMA-7, dapat isa lang.

-Nitz Miralles