MULANAY, Quezon – Patay ang security escort ng isa sa mga alkalde sa Quezon matapos pagbabarilin habang sakay sa motorsiklo sa Barangay Sta. Rosa sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Ruben Pontillar, security escort ni Mulanay Quezon Mayor Joselito Ojeda, na pinagbabaril ng dalawang armadong lulan din sa motorsiklo, dakong 5:10 ng madaling araw.

Naglunsad ng hot pursuit operation ang Mulanay police at nagsagawa ng checkpoint, kasabay ng pag-alarma sa mga karatig na police stations. (Danny J. Estacio)

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak