Ni REGGEE BONOAN

KAILANGANG bigyan ng maraming pagkakaabalahan ang hindi kasikatang aktor para maging abala at hindi niya maisip ang karelasyon na hindi na niya halos nakakausap dahil laging puyat sa inaaraw-araw na taping ng teleserye.

Wala kasing regular show ang hindi sikat na aktor kaya kung anu-ano ang naglalaro sa isip at laging mainitin ang ulo dahil selos na selos sa leading man ng karelasyon na talaga namang irresistible.

Aminado ang karelasyon ng hindi sikat na aktor na nag-usap silang mabuti na kailangan niya ang project dahil ito ang pangarap niya at gusto niyang gumawa ng pangalan sa tagal na rin niya sa showbiz. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Walang magawa ang hindi sikat na aktor kaya pumayag siya and besides hindi rin naman din niya mapapasikat ang karelasyon dahil sarili nga niyang pangalan hindi niya magawan ng paraan.  

Ending, umaalagwa na ang pangalan ng girlfriend. Kaya ang boyfriend, depress-depress-an na ang drama at kinakausap na ang salamin sa kuwarto, sabi mismo ng kasama nila sa bahay.

Naaawa tuloy kami sa hindi sikat na aktor, pero hindi kasi siya gaanong marunong umarte, parang bulol pa kaya walang project. Hayun, napag-iwanan na siya ng mga kasabayan niya.  

Bumalik na lang kaya siya sa pag-aaral para mas gumanda ang kapalaran niya pagdating ng araw tutal hindi naman siya busy.