Ni REGGEE BONOAN

KAYA pala masyadong intense umarte ang kilalang aktor dahil may pinagdadaanan siyang problema na hindi niya maamin sa publiko. Masisira kasi ang career niya na ilang taon din niyang pinaghirapan kung ibubunyag niya ang kanyang sitwasyon.

Hindi puwedeng mawalan ng trabaho ang kilalang aktor dahil siya ang bumubuhay sa pamilya niya. ‘Tapos, heto, may isa pa siyang malaking problema, nabuntisan niya ang kanyang personal staff na hindi na niya kasa-kasama ngayon.

Ang duda ng mga nakakaalam, itinira niya sa ibang bahay ang nabuntisang staff at patuloy na sinusustentuhan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ito pala ang pinanggagalingan ng matinding galit ng dating karelasyon ng kilalang aktor na halos isumpa siya, dahil nangaliwa siya gayong minahal niya ito nang lubos at tapat pati na ang kanyang buong pamilya.

In fairness sa ex-girlfriend ng kilalang aktor, hindi ito nanggulo, hindi ito nagpa-interview, at hindi siniraan ang ex-boyfriend sa ibang tao. Bigla na lang siyang nag-fly me to the moon at naglaho na.

Paano nabuking ang kalokohan ng kilalang aktor?

Ang staff na nabuntis niya ay nagpa-check-up sa doktor na kaanak ng ex-girlfriend niya. Hindi niya alam na kamag-anak ito kasi iba ang apelyido at hindi rin alam na sa ospital na pinuntahan nila na ito ang head OB-Gyne.

Na-shock na lang nang magkita ang kilalang aktor at ang doktor na kaanak ng ex-girlfriend niya kaya ‘yung itsura nito sa seryeng nilalabasan niya ay tunay palang nangyari sa totoong buhay.

Siyempre ang kasunod, nalaman ng buong angkan ng girlfriend ng kilalang aktor ang sitwasyon. Galit na galit ngayon ang pamilya ni Girl. Kastilyong buhangin daw pala ang pangako sa kanilang anak ng aktor.

Kaya kayod-to-death ang kilalang aktor para masustentuhan ang pamilya at ang magiging mag-ina niya.

Totoo talaga ang kasabihan, Bossing DMB, kapag medyo tahimik ang tao, asahan mo nang nasa loob ang kulo.