Tinanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P5 milyong ayuda ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PagCor) sa paglaban sa illegal online gaming sa bansa.

Sa pahayag ng PagCor, gagamitin ang nasabing pondo sa pagbili ng makabagong kagamitan, katulad ng laptop; video camcorder; laser multifunction scanner/ printer/copier, multimedia LED projector, LED TV at iba pa.

Ang mga naturang kagamitan ay gagamitin para sugpuin ang illegal online gaming activities at mapalakas ang cyber response, cybercrime investigation at cyber security ng NBI.

Inihayag ng PagCor, ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay mas nagpapalakas sa kanilang monitoring activities upang malabanan ang illegal gambling.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Tiniyak naman ni NBI Director Dante Gierran, gagastusin nila nang maayos at tama ang naturang pondo.

-Beth Camia