July 16, 2026

Home BALITA

Usec. Castro, ipagtatanggol si PBBM hangga’t tama ang ginagawa

Usec. Castro, ipagtatanggol si PBBM hangga’t tama ang ginagawa
Photo Courtesy: via MB

Ibinahagi ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ang hangganan ng pagdepensa niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nakapanayam si Castro sa "The Interviewer" ni King of Talk Boy Abunda noong Sabado, Hunyo 13, kung saan natanong siya tungkol sa iba't ibang isyu, partikular sa working relationship niya kay PBBM. Dito ay nasabi niya ang tungkol sa limitasyon ng pagtatanggol niya sa mga desisyon at aksyon ng Pangulo. 

“How far would you go to defend the President?” tanong ni Boy.

Sagot ni Usec. Castro, “As long as we will be telling the truth. Hindi naman ako puwedeng magtanggol kung may ililihim tayong mali. So as long as alam ko ang ginagawa ng Pangulo ay tama, ipagtatanggol ko.”

Samantala, kung hindi naman na raw tama ang ginagawa ni Marcos, Jr. sasabihan niya ito.

Rep. Tinio, pinasisibak si Go!

“I will tell him. That’s not correct, that’s wrong. Let’s make an action on that. [...] Nasasabihan ko po ang Pangulo. Nabibigyan ko po siya ng advice, nasasabihan ko po at nakakapag-suggest po ako,”  anang Palace Press Officer.

Matatandaang minsan na ring inilarawan ni Usec. Castro na si Marcos, Jr. ang klase ng lider na nakikinig at hindi vindictive.

Ito ay kasabay ng pag-amin niyang hindi raw naging hadlang ang pakikipagtrabaho niya sa Pangulo kahit hindi ito ang ibinoto niyang kandidato noong 2022 presidential elections.

Maki-Balita: PBBM, nakikinig; hindi vindictive — PCO Usec. Castro