IKINATUWA ng fans ni Janella Salvador ang nakita at nabasang post ng ina nitong si Jenine Desiderio na nagpo-promote ng So Connected, ipinost pa ang poster ng Regal Entertainment movie ng anak at ni Jameson Blake.

Jenine

So Connected now showing starring my daughter Janella Salvador, and Jameson Blake. Friends, kindly watch & show your support! Thank you!”

Tamang-tama ang post ni Jenine, Tuesday evening, the day before the opening of So Connected kahapon, May 23. Nagpasalamat ang fans ni Janella kay Jenine, may mga naiyak pa nga sa sobrang tuwa at may nagdadasal na tuluy-tuloy na ang pagkakasundo nila mula rito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May nag-comment naman na sa pagtulong ni Jenine sa promotion ng So Connected, naniniwala silang hindi talaga ito pabor kay Elmo Magalona para sa anak.

Hindi kasi nag-promote si Jenine ng My Fairy Tail Love Story nina Janine at Elmo. Itinanggi rin ni Jenine na she followed Elmo sa Instagram (IG), dinelete lang niya agad. Sabi ni Jenine, fake news daw ‘yun.