Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa Police Regional Office 10 ang imbestigasyon sa pananambang sa dating prosecutor ng Ozamiz City na si Atty. Geronimo Marabe, Jr. sa Misamis Occidental noong Martes.

Si Marabe ang nagsilbing abogado ni Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog.

Base sa ulat, tinambangan si Marabe ng apat na hindi pa nakikilalang armado habang sakay sa kanyang sasakyan kamakalawa, bandang 10:30 ng umaga.

Aniya, kinausap na siya ni Police Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police Office (OCPO), at sinabing wala pang lead sa kaso.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy