NAPANOOD namin ang TV interview kay Sen. Kiko Pangilinan nang banggitin niya na kinukumbinsi nilang tumakbo for senator sa 2019 elections si Agot Isidro sa ilalim ng Liberal Party.

Ang pagiging matapang at hindi takot sa pagpapahayag ng opinion ang isa sa mga rason na binanggit ni Sen. Kiko kung bakit gusto nilang tumakbo para senador ang singer/actress.

Wala pang pahayag si Agot tungkol dito dahil hindi pa siya sumasagot sa mga gustong mag-interview sa kanya. Pero wala pa mang sinasabi ang aktres, sari-saring reaction na agad ang mababasa online.

May mga pabor sa napipintong pagpasok niya sa pulitika. Sa katulayan, may nabasa na kaming post na, “Para Sa Marangal Na Senado Susuportahan Ko Si Agot Isidro” at “Para Sa Marangal, Matalino At Magandang Senado (at Pilipinas).”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May mga kumokontra rin, dapat daw ay magsimula muna siya sa barangay, may nagsabi ring hindi mananalo si Agot dahil wala pang napapatunayan.

May mga nagpayo rin kay Agot na huwag papasukin ang pulitika dahil marumi ito, mayuyurakan ang pangalan niya, at mauubos ang naipundar niya sa pag-aartista. May nagtanong pa nga kung bakit hindi na lang si Jim Paredes ang kumbinsihin ng oposisyon na tumakbo para senador.

Si Agot pa rin ang magdedesisyon at hintayin natin kung tatakbo nga ba siya o mananatili sa showbiz pero patuloy na magiging malakas ang boses sa pagpapahayag ng opinyon.

-Nitz Miralles