LIPA CITY, Batangas - Natimbog ng mga pulis-Batangas ang isang umano’y big-time drug pusher sa Makati City nang masamsam umano ang P2-milyon halaga ng illegal drugs sa hideout nito sa Lipa City, Batangas, kahapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO)-4A, dakong 5:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Purok 6, Barangay Pangao, Lipa City.

Nakumpiska umano sa suspek na si Marcial Orbigoso ang isang .45 caliber pistol at magazine na may pitong bala.

Nakarekober din ang mga awtoridad ng nasabing shabu na nasa 300 gramo at drug paraphernalia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Orbigoso, alyas “Tan-Tan”, ay isa umano sa Big 3 suppliers ng droga sa Guadalupe Viejo, Makati City.

Nakulong siya ng anim na taon hanggang noong 2009 sa Makati City Jail sa kasong frustrated homicide at muling napiit noong 2013 hanggang 2015 sa Southern Police District detention cell sa kasong may kinalaman sa droga.

-Lyka Manalo