Kani-kaniyang diskarte na naman ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina upang hindi maapektuhan ng panibagong big-time oil price hike na ipinatupad ngayong Martes.
Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes, Mayo 22, ay magtataas ito ng P1.60 sa kada litro ng gasolina, P1.15 sa diesel, at P1 naman sa kerosene.
Sasabayan din ito ng Shell at Seaoil sa pagpapatupad ng kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo.
Asahan na rin ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa nasabing oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Mayo 15 lang huling nagtaas ng presyo ang oil companies nang magdagdag ng P1.20 sa kada litro ng diesel, P1.10 sa gasolina, at 95 sentimos sa kerosene.
-Bella Gamotea