Naaresto ang isang senior citizen sa umano’y pagtutulak sa kanilang lugar, sa buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ni Chief Insp. Jowilouie B. Bilaro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang kinakaharap ni Federico Ruiz, 62, ng Pinalagad, Barangay Malinta, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jerry Terte, bandang 10:00 ng gabi nang ikinasa ng mga tauhan ng SDEU ang buy-bust operation para arestuhin si Ruiz, na ilang linggo nang paksa ng surveillance.

Pinosasan ang matanda nang iabot umano sa pulis na poseur buyer ang hinihinalang shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha umano mula kay Ruiz ang dalawang plastic sachet na may hinihinalang shabu at P500 marked money.

-Orly L. Barcala