NAG-POST si Julia Barretto ng picture habang nasa construction site siya ng ipinapatayong bahay at nilagyan ng caption na, “That’s me sitting on the 1st floor of my almost finished home. It’s getting real...”

JULIA copy

Wala lang makapag-comment na supporters o bashers sa post ni Julia dahil in-off niya ang comment box. Gustuhin man nilang mag-comment o mang-bash, wala silang magagawa.

Ang tsika, matatapos na sa November ang ipinapatayong bahay ni Julia kaya baka doon na siya magdiwang ng darating na Pasko. Hindi lang kami sure kung mag-isa siyang titira sa bahay o isasama ang buong pamilya. Ang importante, may bahay na si Julia, galing sa pinagpaguran at pinagpuyatan niya sa showbiz.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bata pa at masasabing bago pa lang sa showbiz si Julia, pero heto at may sarili nang bahay. Marami pa siyang projects na gagawin, kaya marami pa siyang maipupundar.

Samantala, nakakatuwa na lahat ng nakakasama sa pelikula nina Julia at Joshua Garcia ay minamahal sila. Una si Sharon Cuneta at ngayon naman ay si Kris Aquino -- na kasama ng dalawa sa Star Cinema movie na I Love You, Hater na sa June 13 na ang playdate.

-NITZ MIRALLES