NI ADOR SALUTA

PALAGING trending si Kris Aquino sa online media at pinakahuli ang magkasamang panonood nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ng pelikulang Kasal sa sinehan ng isang mall last Thursday night.

Untitled-34

May nag-akala na maaaring muling nanliligaw si Bistek kay Kris, pero agad itong nilinaw ng huli nang mainterbyu sa promo pictorial ng kanyang bagong pelikulang I Love You, Hater with Julia Barretto and Joshua Garcia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“If there are 20 of you na nanonood ng sine, I don’t think so (na panliligaw ‘yun),” depensa ni Kris. “Kasi sila (JoshLia) ‘pag nanood ng sine, silang dalawa lang, eh. Kami barangay ang kasama namin.”

Klarong sinabi ng Queen of All Media na walang namamagitang romance or something sa kanilang dalawa.

“We’re friends, and that’s cliche as it can be, but we really are friends,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Kris kung bakit niya pinanood ang Kasal.

“Actually kasi I really wanted to support Bea (Alonzo, ang bida katambal sina Paulo Avelino at Derek Ramsay, one. I was so really excited to watch Kasal and I thought really that our teaser is nakadikit pero waley... It was such an excellent movie, bongga siya,” sabi ni Kris.

Star Cinema ang producer ng Kasal at ito rin ang gumagawa ng I Love You, Hater na ipapalabas na rin sa mga sinehan sa June 13 – mula sa direksiyon ni Giselle Andres.

All praises si Kris sa performance ng co-stars niyang sina Joshua at Julia.

“Parang siguro ako na ang president ng kanilang, di ba merong ano... may mga fans club pero, di ba, may mga admin of those fan groups? I can volunteer to be that because it’s been such a pleasure to work with them and super duper talented sila to work pareho. The screen loves them and you will love them even more sa movie na ‘to,” sabi ni Kris na may binitiwan ding pangako sa dalawa.

“Kasi kahapon meron kaming shinoot ni Joshua na endorsement niya. They told me na they have a bucket list together.

Sinabi nila na kapag nagkaroon na ng three endorsements na silang dalawa as a tandem, they have two currently, on the third daw -- pupunta sila ng New York,” sabi niya sa ABS-CBN News.

“Dream daw nilang dalawa ‘yun. So sinabi ko, ‘’Yang New York na ‘yan, basta mag-hit tayo, sagot ko na ‘yung tickets sa New York. Pero ‘yung hotel, tour and pagkain, mag-ipon na kayo for that,’” she added.

Nagulat at natuwa sina Julia at Joshua at agad nagpasalamat sa generosity ni Kris.

“Na-surprise talaga ako. Nabuhayan talaga ako,” reaksiyon ng young actor.

“I’m very excited,” sabi naman ni Julia. “Josh told me about that after their shoot. ‘Yun ang unang-una niyang sinabi sa akin. Of course I got excited. It’s so nice to be able to work with people who genuinely care about your dreams and your well-being. It’s an honor to be able to work with Tita Kris.”

Mabilis na napalapit kay Kris ang JoshLia at inamin na maging ang dalawang anak niya ay mahal na rin sila.

“Si Bimb balak agawin si Julia kay Joshua. Sinasabi na niya, in 10 years, Ate Julia will be 31, he’ll be 21.

Mahahabol pa daw niya. Sabi ko sa kay Joshua, ‘Mag-ingat ka. May naghihintay, waiting in the wings na tumanda lang,’” natatawang kuwento ni Kris.