Ni NORA CALDERON

KAPO-POST pa lang nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kahapon sa Instagram ng picture nilang dalawa na kuha sa beach front ng Balesin Island, Quezon, pero libu-libo agad ang nag-like.

Dennis at Jennylyn copy

Marami ang kinilig sa poses nila:

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Supersweet naman, mga forever kong lodi, kinikilig na naman kami mga #DenJen”

“Sana kayo na nga”

“Denjen hindi ako magsasawa tingnan ang pic nyong dalawa, overload sa sweetness di ako makahinga sa kilig ang hot nyong dalawa super sexy and sobrang ganda mo @mercadojen bagay na bagay kayo talaga ang macho ni Den at napakapogi pa we love you both, from green hearts (with emoji of green hearts).

“Akala ko prenup pic na! Super perfect!”

“Super happy couple... we are hoping you both end up saying I DOs at the altar.”

Holiday kahapon at mukhang time out si Jennylyn sa taping ng The Cure at si Dennis sa The One That Got Away na magtatapos na sa Friday, May 18.

Kasama nila ang buong pamilya nilang dalawa, tulad ng nasa post nila.

It seems pinagsama-sama na nila ang tatlong okasyon. Last May 12, birthday ni Dennis, May 13, ay Mother’s Day at sa May 15, birthday naman ni Jennylyn.

“Family is love!”