Golden State Warriors guard Klay Thompson (11) drives to the basket against New Orleans Pelicans guard Rajon Rondo during the first half of Game 3 of a second-round NBA basketball playoff series in New Orleans, Friday, May 4, 2018. (AP Photo/Gerald Herbert)
Klay Thompson (AP)

CALIFORNIA (AP) – Sa mga nagnanais na magkawatak-watak ang ‘Big Four’ ng Golden State Warriors, tila mahabang panahon na ang ipaghihintay.

Sa ulat ni Marcus Thompson ng The Athletic, ibinulgar nito na nagkakasundo na si Klay Thompson at ang Warriors management para sa ‘multi-year contract extension’ sa Golden State Warriors.

Ang naturang desisyon ay hindi lamang magpapasiguro na mananatili sa Warriors ang sharp-shooter ng The Bay, bagkus makatitipid pa ang Golden State kumpara sa aksiyong re-signing bilang isang unrestricted free agent sa 2019.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Sa isyu ng contract extention, inaasahang kikita si Thompson ng mahigit sa US $80 milyon. Ngunit, may mga naunang balita na tila alanganin si Thompson na magdesisyon sa kasalukuyan.

“Playing for one team your whole career is definitely special,” pahayag ni Thompson sa mga naunang panayam.

“Only so many guys have done it in professional sports, so it’ll be a goal of mine. Hopefully it all works out.”

Ngunit, umaasa ang Golden State na mapapanatili nila si Thompson. Halos sigurado na ang re-signing ni Kevin Durant para sa max contract matapos ang pagpayag nito nang mas mababang kontrata sa nakalipas na dalawang taon. Nagsisimula pa lang ang taon na nilagdaan ni Stephen Curry mula sa five-year, $201-million deal.

Kung papaya si Thompson sa extension, mas makagagalaw ang Golden State sa kanilang ‘salary cap’ ay mas mapananatili sa mahabang panahon ang samahan nina Durant, Curry at Draymond Green.

Naitala ni Thompson ang averaged 20 puntos o higit pa at bahagi ng All-Star sa nakalipas na apat na season. Tangan niya ang career 42.2-percent clip sa three-point range.