Ni Nitz Miralles

NA K A - P O S T s a Instagram Story ni Paolo Ballesteros ang video habang ipinapasok na siya sa machine para sa MRI para ma-check ang spine niya. Bago ‘yun, ipinost din ni Paolo ang endorsement ng doctor niya sa Medical City for a Herniated Lumbar Disc.

Paolo

M a t a g a l n a n g inirereklamo ni Paolo ang pananakit ng kanyang lower back at ang payo ng kanyang doctor, magpa- MRI siya. Ang likot kasi ni Paolo, kahit may back pain na, hindi pa rin nag-iingat. Hopefully, after the MRI, mahanap na ang cause ng lower back pain niya at magawan ng paraan.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Samantala, patuloy na kumikita ang Mother’s Day presentation ng Regal Multimedia na My 2 Mommies, headlined by Paolo, Solenn Heussaff at ang bagets na si Marcus Cabais. Ito ang first movie ni Marcus pero nagpakita na agad siya ng kahusayan. Si Eric Quizon ang director ng movie na masayang kumikita ang pelikulang Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Siguradong maraming movie offer ang darating kina Paolo, Solenn at Marcus. Pinayuhan si Mother Lily na ikontrata si Marcus bago pa makuha ng ibang film companies.