NAGING emosyonal ang sina Winnie Cordero, Jing Castañeda, at Amy Perez sa ibinahaging video ng ABS-CBN News na una nang naitampok sa Mission Possible tungkol sa pagmamahal ng isang bulag na ina sa kanyang anak, na kahit may Down Syndrome ay nagsisilbing “mata“ ng ina araw-araw.

Amy Perez copy

“Naiyak ako! It’s just amazing kung paano nagagabayan ng anak niyang bulinggit na may sariling pisikal na limitasyon ang bulag nitong ina,” sabi ng Umagang Kayganda (UKG) host na si Winnie “Tita Winnie” Cordero nang mapanood ang video.

Ang episode ay kasama sa isang buwang kampanya ng ABS-CBN para lalo nating pahalagahan ang ating ina. Tampok dito si Nanay Elsa at ang anak na si Sarah na magkaagapay sa araw-araw na pagpunta sa eskuwelahan.

Teleserye

Lena, babalik daw bilang ghost sa 'Batang Quiapo?'

Pinapatunayan nito ang paniniwala ni Tita Winnie na hindi perpekto ang mundo pero may mga pagkakataong ganito na magpapatibay sa katatagan ng ating loob.

“Kailangan nating tanggapin ang mga limitasyon natin bilang ina at tanggapin na may mga bagay na ‘di mo kayang kontrolin. Kailangan din natin mag-let go, magdasal at hingin ang basbas ng Panginoon for peace of mind and magawa ang mga dapat gawin sa kabila ng mga unos sa buhay,” aniya.

Samantala, napagnilayan ng host ng Salamat Dok na si Jing Castañeda ang kanyang sariling mga karanasan bilang ina, at hindi rin niya napigilang mapaiyak.

“Naiyak ako kasi bilang nanay mas lalo ko napatunayan na marami tayong matututunan sa ating mga anak. Isa itong partnership. Isang paglalakbay kasama ang ating mga anak. Mas makakatulong kung alam natin na kasama natin ang ating mga anak sa pagpapalaki sakanila, na sila mismo ay katuwang at hindi lang dapat napagsasabihan,” saad niya.

“Be informed. Be involved. Hanapin mo ang iyong passion. Mas malalaman mo kung paano talaga mabuhay. Makakatulong ka naman sa kahit anong paraan at responsibilidad mo na ipasa ang impormasyon,” patuloy ni Jing.

Mula rin sa UKG, lalo namang napagtanto ni Amy “Tiyang Amy” Perez na pinagpala pa rin ang mag-ina sa kabila ng mga pinagdaraanan.

“Lubos akong natutuwa. Makikita mo talaga ang misteryo at galing ng Panginoon. Nakakataba din ng puso na makita sila Nanay Elsa at Sarah na puno ng saya dahil magkasama sila, wala kang makikitang bakas ng lungkot o reklamo sa kanila. Napakaimportante ng appreciation.”

Hinihimok ni Tiyang Amy ang mga kapwa ina na alamin ang balanse sa mga pang-araw-araw na bagay-bagay at tanggapin na mayroon talagang mga pagkakataon na hindi nagiging maayos ang buhay-pamilya.

Importante rin na matutong gawing kaagapay sa mga tungkuling pangbahay ang asawa dahil ang pagpapalaki ng mga anak ay isang “partnership.”

Sinimulan ng ABS-CBN News ang isang buwang pagdiriwang para sa mga inasa pamamagitan ng #JustLoveYouNay video ng Mission Possible nitong Mayo 6. Unang umere ang kumpletong episode ng Mission Possible noong Marso 5.

Ang kuwento nina Nanay Elsa at Sarah ay sinundan ng isa pang feature kahapon, tungkol sa limang mag-iinang nagtitinda ng gulay sa Cavite na masayang tinatanggap ang mga pagsubok sa buhay ng nakangiti.

Sinusuportahan ng ABS-CBN ang kampanyang nagsusulong sa mga ina na may mga segment feature na ipapalabas sa mga programa ng ABS-CBN news at mas pinaigting na “digital awareness” para sa isang buwang pagdiriwang ng Just Love You Nay, at para maipakita na ang buwan ng Mayo ay buwan ng mga ina.

Hinihimok ng ABS-CBN ang lahat ng Kapamilya na ipakita ang pagmamahal sa ating mga nanay sa pamamagitan ng pagsasabi ng #JustLoveYouNay sa social media posts at mga mensahe upang maipakita sa kanila kung gaano sila kaimportante sa ating mga buhay