Ni Nitz Miralles

MAY title na ang pelikulang pagsasamahan nina Robin Padilla at Piolo Pascual na ididirehe ni Joyce Bernal.

DIREK JOYCE ANGELICA PIOLO ARCI AT ROBIN copy

Astig ang title nitong Hayop Ka! (kung hindi na papalitan) ayon na rin sa post ni Rebya Upalda sa Instagram (IG).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi kami sure kung ito na ang Marawi movie na napabalitang gagawin nina Robin at Piolo, pero kung ito na nga, sa title pa lang, malakas na ang dating. Nabasa rin namin na Spring Films nina Piolo at Direk Joyce Bernal ang magpoprodyus ng pelikula.

Sa nakita naming picture, kasama sa cast sina Angelica Panganiban at Arci Muñoz. Hindi pa alam kung sino sa dalawa ang makakatambal ni Robin at ni Piolo o kung love interest nga ba sila.

Samantala, may post si Direk Joyce na, “Salamat Dra. Buenaflor and the pink nurses! Nakangiti pa ‘ko ng bongga after ng biopsy. Biopsy is nothing pating!!”

Sa background, makikitang nasa Asia Breast Center si Direk Joyce. Nakangiti siya, ibig sabihin, all is well!