Ni Nitz Miralles

NAGUSTUHAN namin ang pagiging totoo ni Riva Quenery na huwag masyadong mag-expect sa concert niyang RivLog Live sa SM North Edsa Skydome sa May 27.

RIVA copy

Inunahan na ni Riva ang mga manonood sa kanya para siguro hindi ma-disappoint. Pero dahil nangakong gagawin ang the best niya, makakaasa ang kanyang fans at supporters ng pasabog na performance.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Kasi para ito sa mga sumusuporta sa akin at kapag pinanood nila ang concert ko para na rin silang nanood ng vlog ko nang live,” sabi ni Riva.

Sa presscon ng RivLog na produced ni Hermie Carreon sa direction ni Marvin Calido, in-announce ni Riva na sold out na ang VIP tickets sa concert niya na nakalagay na rin sa Instagram, pero available pa ang General Admission tickets.

Suportado ng kanyang pamilya ang pagpasok sa showbiz ni Riva at ibinalitang pati ang amang si Gen. Robert Quenery ay manonood. Present ang ina ni Riva sa presscon at ibinuking na via email nagpaalam sa kanila si Riva, ang bunso sa tatlong magkakapatid, papasok ng showbiz.

“We are prepared sa pagpasok niya sa showbiz mula nang magpaalam siya sa amin ng dad niya through email. Suportado namin siya ng 101 percent at more pa if needed dahil nakikita naming gusto niya. That’s why I’m here at kaya hawak ko ang microphone,” pahayag ng mom ni Riva.

Guests sa concert ni Riva sina Krissha Viaje, Sammie Rimando, Hashtag member Zeus Collins, Awra Briguela at Maris Racal.