Ni Nitz Miralles

FRIENDS ni Glaiza de Castro ang unang nag-react sa pa-two-piece swimsuit niya habang nasa Sydney, Australia.

GLAIZA copy

Nasa Bondi Beach si Glaiza, nag-two-pece, at ipinost ang picture na kita ang abs na kinainggitan ng mga kaibigan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Isa sa mga nag-comment si Gabby Eigenmann na ang sabi, “Beachessa” na paglalaro sa Contessa, ang Afternoon Prime na pinagbibidahan ng dalaga at kontrabida naman si Gabby.

Minsan lang mag-post ni Glaiza na naka-swimsuit, kaya pista para sa mga kaibigan niya ‘pag sinisipag siyang mag-post -- lalo na’t sa picture na ipinost niya dahil kitang-kita ang abs na pinaghirapang ma-achieve.

Hindi sinabi ng aktres kung bakit siya naroroon sa Australia at kung bakit siya in-interview ng SBS Australia, local radio station sa lugar na pinuntahan niya.