MATAGUMPAY ang pag-iwas ni Ed Sheeran sa paninigarilyo na umabot na sa isang taon!

Ed copy

Sa ulat ng Entertainment Tonight, inihayag sa pamamagitan ng isang maikling sinulat sa Instagram ng 27 taong gulang na umawit ng Shape of You ang kanyang tagumpay nitong Sabado.

“Celebrating one year being a non-smoker today,” saad sa post niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nang ipinahayag ni Sheeran ang kanyang problema sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, at sinabi sa show ni Ellen Degeneres noong 2015, na gusto na niyang tumigil sa dalawang bisyo.

“It was like a routine,” sabi niya noon kay Ellen. “I’d do a sound check, have a cigarette, do a gig, have a cigarette, have food, have a cigarette.”

Aniya pa sa host, sinimulan na niyang tumigil sa paninigarilyo, na tumagal lang ng isa at kalahating linggo.

“It was cold turkey. I realized I’d been smoking for 10 years and that’s bad,” aniya kay DeGeneres. “I started smoking when I was younger and I’d always say, ‘I’m going to quit, I’m going to quit...’ Then when it got to 10 years I was like, I’m probably getting to the point of no return here.”

Ngunit noong 2017, sinimulang baguhin ni Sheeran ang kanyang mga nakagawian at namuhay na may healthy lifestyle. Partikular noong mas naging malapit siya sa kanyang girlfriend noon na si Cherry Seaborn. Nitong Enero, inihayag ng dating childhood friends na magpapakasal na sila.

Congratulations sa talented singer!