Ni Nora Calderon

KUNG napaka-sexy ng role ni Rhian Ramos sa The One That Got Away (TOTGA) dahil siya mismo ang model ng mga ginagawa niyang swim wears sa istorya, hindi rin siya nagpapatalo sa action movies na ginagawa niya kasabay ng romantic- comedy series.

RHIAN copy

Masaya si Rhian na tinanggap at ipapalabas ang Trigonal movie na ginawa niya sa Cannes Film Festival na magsisimula sa Saturday, May 12. Action movie ito na idinirihe ni Vincent Soberano at launch film ng new action star na si Ian Ignacio, a martial arts artist. After ng Cannes, dito naman sa Pilipinas ipalalabas ang movie sa July.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Ginawa rin ni Rhian ang #72Hours katambal si Jolo Revilla under Imus Productions. Hindi mahinang babae si Rhian sa dalawang pelikula at may sarili siyang action scenes sa istorya.

Samantala, pinagkakaabalahan niya ngayon ang grand finale ng TOTGA na nasa last two weeks na.

“Matatapos na kami pero may mga twists pa rin sa story,” natatawang kuwento ni Rhian. “Masyado kong dinamdam iyong ayaw sa akin ni Tita Patty (Snooky Serna) para sa anak niyang si Gael (Jason Abalos) kahit love naman namin talaga ang isa’t isa. Then nagkagulo ang friendship namin nina Alex (Lovi Poe) at Darcy (Max Collins), malalaman ninyo kung sino ang dahilan ng lahat ng kaguluhan naming mga beshies at sa mga love of our lives dito. Nagulo rin kasi ang lovelife nina Darcy at Inigo (Ivan Dorschner), even ng mag-asawang Alex at Liam (Dennis Trillo) dahil sa kanya. Ang dami talagang revelations na kagagawan niya lahat.

“Abangan din ng mga netizens ang mga eksena naming babagsak ang sinakyan naming small airplane sa dagat. Isa ito sa twist sa story namin,” natatawang dagdag ni Rhian.

Napapanood ang TOTGA pagkatapos ng Kambal Karibal.