Ni Reggee Bonoan

HINDI totally mawawala si Liza Soberano bilang si Ganda sa Bagani na ayon sa istorya ay nasa ibang mundo kaya hindi siya nakikita ni Lakas (Enrique Gil) pero pasulput-sulpot pa siya.

Liza copy

Nagpapahanap nga si Lakas ng bagong Bagani dahil kailangan ay kumpleto silang lima para tuluyan nilang magapi si Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nakahalata siya nang hindi masagot ng fairy ang tanong niya kung, ‘Patay na ba si Ganda’.

Samantala, ganap nang Bagani si Zaijian Jaranilla bilang si Liksi sa tulong na rin ni Lakas.

Sa teaser ng Bagani nitong Biyernes, ibinalik ni Lakas si Liksi sa kuweba na pinagsanayan sa kanya noon ng tatay niyang si Agos (Albert Martinez).

Sadyang pinahirapan ni Lakas si Liksi para tuluyan nitong mailabas ang nakatagong lakas at tuwang-tuwa ang lahat pati na ang buong pamilya niya nang maging Bagani na siya.

Tiyak na si Liksi ang kapalit ni Mayari (Sofia Andres) na namatay na sa ikalawang linggo pa lang ng serye.

Doble kara naman si Lakam (Matteo Guidicelli) na hindi nagpapahalata kay Sarimaw na kakampi siya ng mga Bagani at ito rin naman ang turo sa kanya ng amang si Robert Seña.

Ngayong may power na si Liksi, kung babalik nang tuluyan si Ganda (kapag tapos na siya mag-shoot ng pelikulang Darna), kumpleto na ang mga Bagani sa pangununa nina Lakas, Lakam at Dumakulem at puwede na nilang magapi si Sarimaw.

Ang kaso, nandidiyan pa si Bathala na kunsintidor sa pinaggagawa ng anak na si Sarimaw kaya sila nagkakagulo rin ng asawang si Malaya (Kristine Hermosa).

Abangan ang episode ng Bagani ngayong gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.