NAGBAHAGI na ang royals ng unang opisyal na litrato ng bunsong royal baby, si Prince Louis Arthur Charles, dalawang linggo makaraan itong isilang.

Prince Louis at Princess Charlotte

Nitong Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng Mashable, naglabas ang Kensington Palace ng dalawang larawan ni Prince Louis sa Twitter: ang isa ay kuha noong Abril 26, at ang pangalawa ay nitong Mayo 2, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Charlotte.

Buong galak na ibinahagi ng Duke at Duchess of Cambridge ang dalawang litrato nina Princess Charlotte at Prince Louis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakakatuwang makita sa larawan ang kaya nang gawin ng prinsipe: pagtulog, laruin, at pagtitig sa malayo.