SIMULA ngayong umaga, mapapanood na ang My Guitar Princess, bagong serye na pagbibidahan ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na tatalakay sa kapangyarihan ng musika at ng pag-ibig.

KIKO JULIE ANNE AT GIL copy

Ang My Guitar Princess ay kuwento ni Celina Raymundo (Julie Anne), 18-taong gulang na dalagang mahilig kumanta at tumugtog ng gitara. Pero kahit may itinatagong talent, kulang ang kumpiyansa ni Celina sa sarili lalo na’t tutol ang kanyang ina na si Adele Raymundo (Sheryl Cruz) sa kanyang pag-awit.

Pero malakas ang tawag ng kapalaran kay Celina. Kaya ang kahusayan niyang maglalapit sa kanya sa maraming tao ay magdudulot naman ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ina.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Mapapagitnaan din ang dalaga ng dalawang lalaking iibig sa kanya –- si Elton Smith (Gil Cuerva) at si Justin Garcia (Kiko Estrada).

Mabait, matalino at may talento rin sa pagkanta, si Elton ay 20-taong gulang na singer na nakatira sa ibang bansa at mas kilala bilang Prince Charming of Pop.

Matalik na kaibigan ni Celina si Justin na kalaunan ay iibig sa kanya.

Tampok din sa My Guitar Princess sina Isabelle de Leon at Jazz Ocampo bilang Taylor at Katy Garcia—ang mga kapatid ni Justin na walang pakundangan ang trato kay Celina. Si Marika Sasaki naman ay gaganap bilang si Britney, ang BFF ni Celina.

Kasama rin sa musical rom-com si Marc Abaya bilang manager ni Elton; ang One Up member na si Ralf King bilang bestfriend ni Justin na si Adam; Kier Legaspi bilang Elvis Soriano; Frank Garcia bilang George Garcia; Maey Bautista bilang Yaya Dolly; Rob Sy bilang Michael; at si Bb. Lui Manansala bilang Manang Barbara.

Ang My Guitar Princess ang kauna-unahang TV series sa GMA Network ng direktor na si Nick Olanka, na nakilala nang husto sa indie films na Ronda at Ang Huling Araw ng Linggo, handog ng GMA Public Affairs at mula sa panulat nina Jessie Villabrille, Jerome Zamora, Mario Banzon, at Conan Altatis.

Hango ito sa konsepto ng executive producer na si Shao Masula, Adolf Alix, Jr., at ni GMA Public Affairs SAVP Clyde Mercado.

Makisabay sa awitin ng puso ni Celina sa My Guitar Princess, simula na ngayong u m a g a , m u l a Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga sa Kapuso Network.