Ni NITZ MIRALLES

NAGSALITA na rin si Morisette Amon tungkol sa fake news na pinagtawanan daw nila ni Angeline Quinto si Sarah Geronimo nang mapanood nila ang video na naging emotional at nagkaroon ng stage meltdown sa concert nito sa Las Vegas.

Angeline copy

Sa interview n i MJ Felipe na lumabas sa ABS-CBN, itinanggi at nilinaw ni Morisette ang pekeng isyu na lumaki at marami ang nadamay.

'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

“Wala pong nangyaring gano’n talaga. Napanood ko ‘yung video ni Ate Sarah na umiiyak. I was at home with my family,” panimulang kuwento ni Morisette na paglilinaw din na wala siya sa set ng Umagang Kayganda na siyang pinalalabas ng fake news purveyors.

Ang pinakalat ng fake news peddlers, nasa dressing room kuno-kuno sina Angeline at Morisette dahil guests sila sa UKG. Pati nga si Amy Perez nadamay dahil P.A. raw nito ang source ng fake news creator at pinagtawanan daw nina Angeline at Morisette si Sarah.

“Nagulat ako. Baki t naman po kami ‘dinadamay ni Angeline at ginawan pa kami ng ganoong kuwento? Nagulat po ako na ang daming naniwala sa wala namang evidence. It’s sad that people can believe that fast. I’m just sad about that,” sabi ni Morisette.

Ang ikinatutuwa lang ng dalaga, hindi naniniwala ang mga kaibigan niya na magagawa nila ni Angeline ang fake news tungkol sa kanila. Nakakatanggap din siya ng tawag at text comforting her.

“I’m okay, I’m not bothered by it, because malinis naman ang konsensiya ko. I know I did nothing like that,” sabi pa ng singer.

Anyway, sana makatulong para humupa na ang isyu ang sinabi ni Sarah sa harap ng audience sa isa pa niyang show sa Amerika na hindi na siya iiyak. Nabanggit din niya na natakot at nag-panic siya dahil nawalan siya ng boses. Lumalabas na isa ‘yun sa mga dahilan ng pag-iyak ni Sarah.