Ni Reggee Bonoan

MAY nakatsikahan kaming independent movie producers na aminadong nababahala sa malaking kinikita ng Avengers: Infinity War sa ating bansa. As of press time, umabot na sa P900M ang local box office take at tinatayang maaaring umabot sa P1B ngayong weekend.

Marvel Studios' AVENGERS: INFINITY WAR L to R: War Machine (Don Cheadle), Winter Soldier/Bucky Barnes (Sebastian Stan), Black Widow/Natasha Romanoff (Scarlet Johansson), Captain America/Steve Rogers (Chris Evans), Hulk (Mark Ruffalo), Okoye (Danai Gurira), Falcon (Anthony Mackie) and Black Panther/T'Challa (Chadwick Boseman) Photo: Film Frame ©Marvel Studios 2018

Photo: Film Frame
©Marvel Studios 2018

Pinanood din nila ang pelikula at talagang napahanga sila nang husto.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

“Ang ganda naman talaga, ang laki ng gastos. Nakakatakot para sa local films, kung dito ibabase ng mga manonood ang gusto nilang mapanood,” sabi ng isa sa mga kausap namin.

Payo ng isang kilalang movie producer, dapat magkaisa ang lahat ng local movie producers na mag-produce ng mas maraming pelikula para mas marami tayong ipalabas sa mga sinehan at hindi matabunan ng foreign films

Isinisisi na rin sa social media ang paghina ng mga pelikulang lokal, dahil ang ibang artista ay pino-post daw nang live sa kanilang social media accounts ang lahat ng mga ginagawa nila at very visible na sila kaya wala nang interesadong mapanood sila sa big screen.

“Kung libre nang napapanood, sino pa ang gaganahang mapanood sila sa sine? Kumikita kasi sila according to views, ganu’n sa YouTube, di ba? ‘Pag ganyan, sila mismo ang pumapatay sa movie industry.

“Same thing din sa mga shows, may live show na napapanood na sa TV, may post pang FB live, so ano pa?” pahayag ng nakahuntahan naming movie producers.