Ni Jun Fabon

Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District- Station Drug Enforcement Unit ang anim na magkakaanak sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Louise Benjie Tremor, hepe ng Cubao Police-Station 7, hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng magkakaanak.

Base sa imbestigasyon ng QCPD-PS7, inaresto ang mga suspek sa kanilang bahay sa Barangay Martin de Porres, pasado 9:30 ng gabi.

Nasamsam sa kanila ang 11 pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P5,500, at mga drug paraphernalia.

44°C heat index, naitala sa 4 na lugar sa Luzon!

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga, ngunit tumangging nagtutulak.

N a h a h a r a p a n g mg a inaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.