Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

uaap volleyball May 2

(Araneta Coliseum)

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

12:00 n.t. -- Ateneo vs NU (M)

4:00 n.h. -- FEU vs La Salle (W)

GANAP na mawalis ang kanilang finals series upang makopo ang ikatlong three-peat ang misyon ngayong hapon ng defending champion De La Salle sa muli nilang pagtutuos ng season host Far Eastern University sa Game 2 ng UAAP Season 80 volleyball tournament finals series sa Araneta Coliseum.

 INAANTABAYANAN ang muling pagdiriwang ng La Salle Lady Spikers para sa pangatlong sunod na kampeonato sa UAAP volleyball. (RIO DELUVIO)

INAANTABAYANAN ang muling pagdiriwang ng La Salle Lady Spikers para sa pangatlong sunod na kampeonato sa UAAP volleyball. (RIO DELUVIO)

Bagama’t tinalo nila ang Lady Tamaraws sa loob ng straight sets noong Game 1, aminado naman ang Lady Spikers na hirap silang katunggali ang tropa ni coach George Pascua.

“During eliminations, hirap na hirap kami sa FEU. Nung Game 1, kung di namin nakuha ang first set, hindi magkakaganoon,” ani La Salle head coach Ramil De Jesus.

“Basta kasi gumalaw sila nang tama dire-diretso eh. Kahit malayo ka di ka nakakasiguro. Sabi ko gumawa lang ng tama kasi yung errors namin ng first set, hindi galing sa ginagawa ng kalaban, mga unforced error na nangyayari l kabila,” dagdag nito.

Ayon pa kay de Jesus, malaki ang tsansa nilang manalo kung tityagain lang nila lahat ng hamon na ibibigay sa kanila ng FEU.

“Sabi ko sa kanila, susi lang dito, magtiyaga, wag nating i-give up kahit anong situation. Defense man yan, blocking man yan, importante dito ‘wag tayong mag-give up kahit anong situation,” ayon pa sa national women’s team tactician.

Sa kabilang dako, “unforced errors “ naman ang gustong malimitahan at iwasan ng Lady Tamaraws dahil malinaw na doon sila natalo ng Lady Spikers.

Sinasabing ang kawalan ng karanasang maglaro sa finals ang naging dahilan upang magtamo sila maraming errors.

“‘Yung errors talaga namin. Sinabi nga ni coach noong training pa lang, ‘yung labanan is kung sino ‘yung maraming errors, ‘yun yung matatalo,” pahayag ni FEU skipper Bernadeth Pons. “Yun ang nangyari, kasi, ine-explain sa amin ni coach yung stats, yung score namin is dikit lang eh.” “Tapos ‘yung errors namin sobrang dami talaga. ‘Yun ang kailangang ma-lessen pa namin kasi ‘yun ‘yung nanalo ang La Salle kasi konti ang in-error nila. Kami, sobrang daming error.” “Kailangan kong mag-charge ulit. Kailangan pang mas maging ma-utak ako sa Game Two kasi malalaki sila eh. Bantay talaga ako kanina. Kailangan bumawi talaga ako sa Game Two,” ayon pa kay Pons.

Samantala sa men’s division, tatangkain naman ng National University na tapusin na ang tatlong taong paghahari ng Blue Eagles.