Ni NORA CALDERON

MARAMI ang lumalabas na balita tungkol sa This 15 Me US concert tour ni Sarah Geronimo.

Sam, Sarah, Mark at fans _ fo nora item copy

May nagsasabing nawalan siya ng boses kaya hindi natapos ang concert, may nagsasabing basta na lang daw nag-walk-out at hindi na tinapos ang show.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Meron ding nagkuwento na naging emosyonal daw si Sarah at naglitanya ng tunay niyang mga saloobin. Pero pinabulaanan ito ng kasama niya sa show na si Mark Bautista, kasama rin nila si Sam Concepcion. Nauna na silang nag-concert sa Pittsburgh, San Francisco at last Sunday, sa Las Vegas, Nevada na siyang topic ng mga balita.

Nakatanggap kami ng video na kuha habang nagsasalita si Sarah sa audience at naging emosyonal. Ito ang sinabi ni Sarah sa kanyang mga fans na pumuno sa venue:

“Hindi ‘yung successful na shows o ‘yung mga hits ang makakapagkumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi.”

Ayon sa mga naroroon sa venue ay nag-iyakan ang fans at may mga umakyat sa stage na humiling kung puwede nilang yakapin si Sarah -- na pinagbigyan naman at nagkaroon ng group hug sina Sarah, Sam at Mark kasama ng dalawang fans. Nag-selfie pa sila kasama ang audience.

Iisa ang sinasabi ngayon ng fans, na mahal nila si Sarah, “everything about her, her flaws, mistakes, your music, the whole of you, the part of you!”

Nag-post pa si Mark sa Instagram ng: “Las Vegas, maraming salamat! You were amazing! Thank you Lord for giving us the strength to finish our second show this week even without enough sleep. #This15Me”

Naintindihan ng audience kung ano ang pinagdaraanan ni Sarah. After her very successful concert sa Araneta Coliseum, nagkaroon lang sila ni Mark ng chance na makapahinga nang mag-attend kinabukasan sa wedding ni Rachelle Ann Go kay Martin Spies sa Boracay. Then 15 hours flight na nila to San Francisco, rehearsals, then show na, kasunod kinabukasan ang Las Vegas.

Kaya sana ay nabibigyan naman ng sapat na panahon para makapagpahinga ang mga artista.

Tulad nitong sina Sarah, Sam at Mark, after Las Vegas ay sasalang naman agad sila sa concert nila sa Chicago, Illinois sa May 4 at sa New York sa May 6.

Naka-schedule na rin ang This 15 Me concert tour ni Sarah sa Europe pagkatapos ng shooting niya ng Miss Granny sa Viva Films katambal sina James Reid at Xian Lim.