Ni Beth Camia

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapalabas ng P448 milyon para ayudahan ang mamamayan ng Boracay, na nawalan ng trabaho sa pansamantalang pagpapasara sa isla.

Sa talumpati ng Pangulo sa Labor Day celebration sa Cebu City, sinabi niya na nais niyang mailabas kaagad ang nabanggit na pondo upang matulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng rehabilitasyon.

“Para ‘yung mga anak ninyo napay pagkikitaan. But you have to maintain a second level of sanit—dito, that is why I have instructed the immediate release of 448 million to DoLE to provide financial support to all affected workers under the adjustment measures program,” ani Duterte.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“The financial support will start this May and shall be linked to active labor market programs such as in private facilities, services, training, and livelihood,” dagdag pa niya.

Sa ilalabas na pondo, inaasahan ni Duterte na maiibsan ang pangamba ng mga manggagawa na pansamantalang nawalan ng trabaho sa isla.

Giit ng Pangulo, mahalagang isailalim sa state of calamity ang Boracay para maayos ito at maibalik sa dating ganda.

“Boracay is almost the crown jewel of the country. It is the favorite melting pot of all Filipinos and foreigners. Bakit sisirain mo? And you know, it has the largest kagaw,” dagdag ni Duterte.