Ni DINDO M. BALARES

Big chance sa showbiz writers ang provincial tours ng TV networks para mapagmasdan ang interaction ng mga artista sa fans.

kyline2

Dito nalalaman ang totoong character ng mga artista. O kung ano ang reception ng audience sa show nila. Batay sa mga ito, magagawa mong i-project kung may isisikat pa ba o pangmadalian lang sila sa industriya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bagamat ilang buwan nang lumilitaw sa radar namin ng ilang sumisikat na artista, nakakagulat pa rin ang malalakas na hiyawan sa cast ng Kambal Karibal lalo na kay Kyline Alcantara sa Kapuso Night sa Dagupan nitong Lunes ng gabi. Naririto ang Kapuso stars bilang pakikiisa ng GMA Network sa Bangus Festival at Pistay Dayat Festival ng Pangasinan.

kyline

Pero nang nainterbyu at makita namin ang sincerity sa trato ni Kyline sa fans na sumunod sa kanya sa hotel, hindi na kami nagtaka sa namo-monitor naming mabilisang pagdami ng followers niya sa social media.

Fifteen years old pa lang si Kyline, at sa likas at effortless na magaang na pakikipag-ugnayan niya sa mga tagahanga, tiyak na sisikat pa at malayo pa ang mararating niya sa showbiz.