Ni Liezle Basa Iñigo

LAOAG, Ilocos Norte - Namatay ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng bayan ng Marcos sa Ilocos Norte, matapos siyang isugod sa pagamutan mula sa pananatili sa isang hotel.

Sa panayam kahapon ng Balita kay Supt. Dominic Guerrero, hepe ng Laoag City Police, nakilala ang biktimang si Alexander Mateo Navarro, 55, may asawa, pangulo ng ABC-Marcos.

Dakong 4:30 ng hapon nitong Linggo nang itawag ni Joel Balalaque, 34, cashier/ front desk officer ng Kingscourt Hotel sa Barangay 55-A Barit sa Laoag City na dinala sa pagamutan si Navarro.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Nabatid na kasama ng kapitan na nagcheck-in sa nasabing establisimyento, dakong 2:00 ng hapon, si Nelia Baptista Dela Cruz, 42, massage therapist.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpasaklolo si Dela Cruz sa mga kawani ng hotel dahil bumubula umano ang bibig ni Navarro.

Nabatid sa report na inatake sa puso ang barangay chairman.